LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, June 12

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2019 - 08:35 AM SHARE(S):

Muling nabawasan ang water level sa Angat dam at La Mesa dam na nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, June 12, ang water level sa Angat dam ay nasa 164.48 meters.

Mas mababa ito kumpara sa 164.92 meters na water level nito kahapon.

Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 68.58 meters kumpara sa 68.63 meters kahapon.

Bahagya namang nadagdagan ang water level ng Ipo dam at ngayon ay nasa 100.94 ang antas ng tubig.

Nadagdagan din ng kaunti ang water level ng Ambuklao at San Roque dam.

Habang nabawasan naman ang water level ng Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

TAGS: angat dam, dam status, la mesa dam, water level, angat dam, dam status, la mesa dam, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.