Maayos na relasyon sa pangulo susi sa tagumpay ng susunod na house speaker

By Erwin Aguilon June 12, 2019 - 08:26 AM

Naniniwala si House Deputy Speaker Sharon Garin na nakadepende sa relasyon sa mga mambabatas at kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ng hihiranging bagong Speaker sa 18th Congress.

Ayon kay Garin, magiging epektibo ang leadership ng Speaker kung maganda ang koordinasyon sa 300 kongresista at inirerespeto ang mga leader ng mga partido.

Mahalaga rin aniya na samantalahin ang potensyal ng House members kaya malaki ang papel na gagampanan ng mga itatalaga sa posisyon tulad ng deputy speakers.

Itinanggi rin ng kongresista na may nagaganap na vote buying sa Kamara para makuha ang speakership at wala siyang personal na karanasan.

Samantala, pinayuhan naman ni Garin ang mga bagitong kongresistang papasok sa 18th Congress na patunayan ang kanilang husay sa trabaho at hindi nakuha ang estado dahil lamang kamag-anak sila ng mga beteranong mambabatas.

TAGS: House of Representatives, House Speakership, Radyo Inquirer, House of Representatives, House Speakership, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.