3 sugatan tumagilid na SUV sa Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2019 - 07:56 AM SHARE(S):
Inquirer file photo
Tatlo ang nasugatan sa pagtagilid ng isang SUV sa Moteher Ignacia Avenue sa Quezon City.

Nangyari ang aksidente Miyerkules (June 12) ng madaling araw sa panulukan ng Mother Ignacia at Sct. Dr. Lazcano St., malapit sa Capitol Medical Center.

Ayon sa mga rumespondeng pulis at kagawad ng barangay, nakita ng mga saksi na mabilis ang takbo ng sasakyan na may plakang B1 S929.

Bigla na lamang umano itong tumagilid nang sumapit sa intersection at muntikan pang masagi ang nakaparadang police mobile sa lugar.

Hinala ng mga otoridad na nakainom ang driver at mga sakay ng SUV.

TAGS: accident, quezon city, Radyo Inquirer, suv, accident, quezon city, Radyo Inquirer, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.