Batuan, Masbate niyanig ng magkakasunod na lindol

Pitong beses na niyanig ng lindol ang bayan ng Batuan sa lalawigan ng Masbate.

Unang naitala ang magnitude 2.0 na lindol sa 19 kilometers Northeast, alas-2:50 umaga ng Miyerkules (June 12) at may
lalim na 15 kilometers.

Sumunod na naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa 7 kilometers Southwest na may lalim na 17 kilometers, alas-4:19 ng
umaga.

Malakas na magnitude 4.4 na lindol ang sumunod na naitala sa 12 kilometers Southwest, alas-5:03 ng umaga at may
lalim na 3 kilometers.

Sinundan ito ng magnitude 2.2 na lindol alas-5:08 ng umaga sa na naitala sa 4 kilometers Southeast at may lalim na 18
kilometers.

Naitala rin ang magnitude 2.6 na lindol sa 5 kilometers Northeast, 5:09 ng umaga at may lalim na 15 kilometers.

Magnitude 2.8 na lindol naman ang naitala sa 3 kilometers Southwest alas-5:15 ng umaga at may lalim na 18 kilometers.

At magnitude 3.2 na lindol naman ang naitala sa 3 kilometers Southeast alas-5:36 ng umaga at may lalim na 21
kilometers

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks sa mga naitalang lindol.

Read more...