Dishwasher na supplier umano ng ilegal na droga sa Payatas at Commonwealth arestado

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2019 - 06:55 AM SHARE(S):

Arestado ang isang dishwasher na nagtatrabaho sa isang bar sa ikinasang buy-bust operation sa Payatas, Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Joel Villanueva ng Batasan Police station, ang suspek ay residente ng Bulacan at dumadayo pa sa Quezon City para mag-supply ng ilegal na droga.

Nakuha sa suspek ang nasa P170,000 na halaga ng hinihinalang shabu.

Ang mga parokyano ng suspek ay pawang residente ng Payatas at Commonwealth.

Todo-dipensa naman ang suspek at sinabing naatasan lang siya ng kaniyang amo na mag-deliver ng package.

Binigyan umano siya ng P300 ng kaniyang amo para ihatid ang package at hindi niya alam na shabu ang laman nito.

TAGS: buy bust operation, Commonwealth, Payatas, quezon city, War on drugs, buy bust operation, Commonwealth, Payatas, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.