6 na domestic flights kanselado dahil sa bagyong Nona

By Ruel Perez December 16, 2015 - 11:55 AM

cebu-pacificAnim na domestic flights patungong Catarman, Busuanga at Caticlan ang kinansela ngayong araw dahil sa Bagyong Nona

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) media affairs office, kanselado ang byahe ng PAL Express flights 2P 2079 / 2080 na biyaheng Manila-Catarman- Manila at flights 2P 2031 / 2032 Manila-Busunga-Manila.

Kanselado rin ang dalawang biyahe ng CebGo na dating Tiger Airways, partikular ang flights DG 6041 / 6042 Manila-Caticlan-Manila dahil pa rin sa bagyong Nona.

Kahapon umabot ng 64 na biyahe ng mga eroplano ang nakansela dahil sa sama ng panahon.

Payo ng pamunuan ng mga airline companies sa mga apektadong pasahero, agad tumawag sa kanilang tanggapan para maipa-rebook ang flight.

TAGS: 6 flights cancelled due to typhoon nona, 6 flights cancelled due to typhoon nona

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.