7 arestado sa buy-bust operaton sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2019 - 06:31 AM SHARE(S):

Naaresto ang pitong lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Tondo Maynila.

Ayon kay Police Capt. Val Valencia ng Manila Police District Station 7, isang poseur buyer nila ang positibong nakabili ng shabu sa isang alyas Odin.

Natyempuhan naman ang anim na iba pang lalaki na bumili rin ng ilegal na droga sa suspek.

Nakuha sa pitong suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na inatayang aabot sa P54,000 ang halaga.

Ayon kay Valencia, pawang construction workers ang parokyano ni Odin.

TAGS: 7 arrested, buy bust operation, manila, 7 arrested, buy bust operation, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.