Burj Khalifa sa Dubai magku-kulay watawat ng Pilipinas ngayong Araw ng Kalayaan
Sa kauna-unahang pagkakataon itatampok ang kulay ng watawat ng Pilipinas sa tanyag na gusali sa Dubai na Burj Khalifa.
Ito ay bilang pakikiisa sa mga Filipino sa Dubai sa paggunita ng ika-121 Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Consul-General Paul Reymund Cortes, alas 9:40 ng gabi ngayong araw (oras sa Dubai) ipakikita ang kulay ng Philippine flag sa itinuturing na world’s tallest manmade tower.
Makikita sa 828-meter tower ang kulay pula, puti, at asul, tatlong dilaw na bituan at araw na may walong sinag.
Maliban sa Burj Khalifa, itatampok din sa Dubai Festival City Mall ang mayamang kultura ng PIlipinas.
Sa kanilang “Imagine Laser” at “light show” magkakaroon ng presentation ng kultura at kasaysayan ng Pilipinasalas 9:00 ng gabi ngayong araw (oras sa Dubai) at oras-oras mula alas 7:00 ng gabi ng June 13 hanggang June 15.
Mayroong tinatayang 750,000 na Pinoy sa UAE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.