Carwash boy patay sa pamamaril sa Quezon City

By Rhommel Balasbas June 12, 2019 - 04:39 AM SHARE(S):

Nasawi sa pamamaril ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa labas mismo ng kanyang bahay sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Bernardo Macaspac, 40 anyos, carwash boy.

Dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ang biktima.

Ayon sa kinakasama ni Macaspac, kumakain sila sa loob ng bahay ngunit hindi namalayan na umalis pala ang biktima.

Makaraan ang ilang sandali ay nakarinig na lamang sila ng putok ng baril sa Kagandahan Street.

Mula Kagandahan Street ay nakapaglakad pa ang biktima palabas ng IBP Road bago bumagsak at tuluyang bawian ng buhay.

Walang ideya ang pamilya ng biktima sa motibo ng pamamaril dahil wala umano itong kaaway.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at pinaghahanap ang hindi pa nakikilalang suspek.

 

TAGS: carwash boy, Oplan Tokhang, patay sa pamamaril, quezon city, carwash boy, Oplan Tokhang, patay sa pamamaril, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.