Babaeng wanted sa pagnanakaw timbog sa Maynila

By Rhommel Balasbas June 12, 2019 - 04:36 AM SHARE(S):
MPD Station 4 photo

Natimbog ng pulisya sa Brgy. San Isidro, Galas, Quezon City, Martes ng gabi ang isa sa mga most wanted ng Manila Police District Station 4.

Nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya laban kay Rose Ann Sanchez, 27 anyos na wanted dahil sa kasong pagnanakaw.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte noon pang nakarang taon.

Dinala muna sa Ospital ng Sampaloc si Sanchez na isinailalim sa medico-legal examination.

Pansamantalang nakadetine ang suspek sa custodial facility ng MPD Station 4.

 

TAGS: babae, manhunt operation, Manila Police District, medico-legal examination, Most wanted, pagnanakaw, warrant of arrest, babae, manhunt operation, Manila Police District, medico-legal examination, Most wanted, pagnanakaw, warrant of arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.