AFP nagpasalamat sa mga Filipino sa Araw ng Kalayaan

By Rhommel Balasbas June 12, 2019 - 04:04 AM

Ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pasasalamat sa sambayanang Filipino kasabay ng pagdiriwang ng bansa ngayong Miyerkules sa ika-121 Araw ng Kalayaan.

“From discounts, free rides and services, to donations that benefit our soldiers and their dependents; we have so much to be thankful for to the Filipino people,” pahayag ni Armed Forces chief Gen. Benjie Madrigal, Martes ng gabi.

Ani Madrigal, patuloy na poprotektahan ng militar ang mga Filipino at ang buong bansa.

Sa maraming dekada anya ay libu-libong sundalo ang nagsasakripisyo para matiyak ang kapayapaan na nakatutulong sa pambansang pag-unlad.

“The Filipino soldier is always ready and willing to make sacrifices to protect the interests of the people. For many decades, thousands of soldiers have made the ultimate sacrifice to ensure that citizens have a peaceful and secure environment conducive to national development,” giit ni Madrigal.

Para naman kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, trabaho ng lahat ng Filipino at hindi lang ng militar ang pagprotekta sa bansa.

Nanawagan si Lorenzana sa sambayanan na suportahan ang gobyerno na tuldukan ang karahasan at ang mga banyagang prinsipyo na umano’y nagdudulot ng pagkakawatak-watak.

“In the spirit of nationalism, I call on every Filipino to safeguard the freedom that our ancestors fought for; the very freedom we have sworn to protect. Let us rally behind our government to end local communist armed conflict to eradicate the flaw of a foreign ideology that has inflicted division in our Motherland for decades,” ani Lorenzana.

Sa huli, sinabi ng kalihim na bagaman pulo-pulo ang bansa ay titindig ang mga Filipino na nagkakaisa.

 

TAGS: AFP, Araw ng Kalayaan, Defense Sec. Delfin Lorenzana, Gen. Benjie Madrigal, nagpasalamat, AFP, Araw ng Kalayaan, Defense Sec. Delfin Lorenzana, Gen. Benjie Madrigal, nagpasalamat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.