PAL, Cebu Pacific may seat sale ngayong Independence Day

By Rhommel Balasbas June 12, 2019 - 03:57 AM SHARE(S):

May seat sale ang Philippine Airlines at Cebu Pacific ngayong Miyerkules, June 12, bilang pakikiisa sa ika-121 Araw ng Kalayaan.

Alok ng PAL ang higit 2 milyong seats kung saan ang pinakamura ay P399 lang para sa one-way domestic economy flight, P1,399 ang pinakamura para sa one-way premium economy flight at P3,999 ang pinakamura para sa business class flight.

Inanunsyo pa ng flag carrier na extended ang sale hanggang sa Linggo, June 16.

Ayon naman sa Cebu Pacific, ang kanilang seat sale ay mula ngayong araw hanggang sa Biyernes, June 14.

Handog ng Cebu Pacific ang P1 base fare para sa ilang mga biyahe nito.

 

TAGS: airline, Araw ng Kalayaan, business class, cebu pacific, economy class, flag carrier, P1 base fare, PAL, seat sale, airline, Araw ng Kalayaan, business class, cebu pacific, economy class, flag carrier, P1 base fare, PAL, seat sale

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.