MRT-3, LRT-1, LRT 2 may libreng sakay ngayong Araw ng Kalayaan

By Rhommel Balasbas June 12, 2019 - 03:38 AM SHARE(S):

Magbibigay ng libreng sakay ang train lines ng Metro Manila ngayong Miyerkules, June 12.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-121 Araw ng Kalayaan.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), ang mga pasahero ng MRT-3, LRT-1 at LRT-2 ay makakalibre ng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Samantala, sinuspinde rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding ngayong araw.

 

TAGS: Araw ng Kalayaan, dotr, libreng sakay, lrt 1, LRT 2, mmda, mrt-3, number coding, Araw ng Kalayaan, dotr, libreng sakay, lrt 1, LRT 2, mmda, mrt-3, number coding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.