Heavy Rainfall Warning nakataas pa rin sa Metro Manila at ilang lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo December 16, 2015 - 10:49 AM

Nona Dec 16 1030amNakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa rainfall advisory na inilabas ng PAGASA alas 9:30 ng umaga, nakataas ang Orange Warning Level sa Nueva Ecija. Nangangahulugang umabot na sa 15 hanggang 30 millimeter ang naobserbahang buhos tubig ulan sa lalawigan at posibleng tumagal pa sa susunod na dalawang oras.

Ayon sa PAGASA, nagbabadya ang pagbaha sa Nueva Ecija.

Yellow Warning Level naman ang nakataas Metro Manila, Bataan, Pampanga, Bulacan, Zambales, Tarlac, Cavite, Batangas at Quezon partikular sa General Nakar.

Sa ilalim ng yellow warning, umabot na sa 7.5 hanggang 15 millimeter ang naibuhos na tubig ulan na inaasahang tatagal sa susunod na dalawang oras.

Sa abiso ng PAGASA, posible ang pagbaha sa nasabing mga lugar.

Nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Laguna, Rizal at nalalabing bahagi ng Quezon.

TAGS: Heavy Rainfall Warning in Metro Manila and nearby areas, Heavy Rainfall Warning in Metro Manila and nearby areas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.