Pinay nasawi sa bus accident sa Dubai

By Rhommel Balasbas June 12, 2019 - 03:23 AM SHARE(S):

Nasawi ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa isang malagim na bus accident sa Dubai sa kasagsagan ng Eid holiday.

Sa impormasyon mula sa Philippine Consulate General sa Dubai, nakilala ang biktimang Pinay na si Marie January Ventura Gallardo, 37 anyos.

Ang kapatid ni Gallardo ang kumilala mismo sa kanyang bangkay.

Isa si Gallardo sa 17 pasaherong nasawi nang maaksidente ang sinasakyang tourist bus sa Al Rashidiya exit ng Sheikh Mohammed Bin Zayed Road sa Dubai.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa maling lane ang bus at mabilis ang pagpapatakbo rito na naging sanhi ng aksidente.

Tubong Jones, Isabela si Gallardo, may dalawang anak at nagtatrabaho bilang physical therapist sa Oman.

Tiniyak naman ni Consul General Paul Raymund Cortes na magpapaabot ng tulong ang Philippine Consulate General sa pamilya ni Gallardo at partikular ang pagdadala ng mga labi nito sa bansa.

 

TAGS: bus accident, dubai, Marie January Ventura Gallardo, ofw, oman, patay, Philippine Consulate General, physical therapist, pinay, tourist bus, bus accident, dubai, Marie January Ventura Gallardo, ofw, oman, patay, Philippine Consulate General, physical therapist, pinay, tourist bus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.