Board members ng PhilHealth nagsumite na ng ‘courtesy resignation’

By Rhommel Balasbas June 12, 2019 - 02:01 AM

Naghain na ng courtesy resignation ang board members ng PhilHealth araw ng Martes ayon sa Department of Health (DOH).

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sila sa pwesto makaraang madiskubre ang umano’y mga ghost dialysis claims.

Sa isang press conference araw ng Martes, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na malinaw ang marching order ng pangulo na magbitiw agad ang board members at nais nito ng clean slate sa ahensya.

“The marching is order is quite clear and that again he (Duterte) expects that the letters of resignation will be filed the end of the day and he would like to study the challenges confronting PhilHealth,” ani Duque.

Isa na lamang ang hindi nakakapagsumite ng courtesy resignation sa mga board officials dahil nasa labas ito ng bansa.

Bukod sa board officials, 35 pang opisyal ng PhilHealth ang hinihingian din ng Malacañang ng courtesy resignation kabilang ang mga vice presidents at regional vice presidents.

Sa kabila ng pagbibitiw ng mga opisyal, iginiit ni Duque na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth at maghahanap agad ng mga pansamantalang itatalaga sa pwesto.

Ang paghahain ng courtesy resignation ng board members ng PhilHealth ay kinumpirma na rin ng Palasyo ng Malacañang.

Ayon sa Palasyo, inalok na ni Duterte ang doktor at negosyanteng si Jaime Cruz para sa pagkapangulo ng PhilHealth ngunit hindi pa nito tinatanggap ang pwesto.

 

 

TAGS: Board Members, courtesy resignation, doh, Health Sec. Francisco Duque III, jaime cruz, philhealth, Board Members, courtesy resignation, doh, Health Sec. Francisco Duque III, jaime cruz, philhealth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.