Lalaking may dalang baril arestado sa Cubao

By Noel Talacay June 12, 2019 - 01:38 AM SHARE(S):

Naaresto ang isang lalaking may dalang baril sa Cubao alas-3:30, Martes ng Hapon.

Nakilala ang suspek na si Clark James Medina, 19-anyos, at residente ng Mandaluyong City.

Ayon sa pulisya, sumigaw ng holdaper ang konduktor ng bus na sinasakyan ng suspek sa may EDSA, North Bound kanto ng Main Ave. Cubao Quezon City kung saan may mga pulis na nakapwesto.

Agad na naman rumesponde ang mga pulis dahilan para mahuli ang suspek.

Nakuha sa suspek ang cal. 38 pistol at may anim na bala.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Quezon City Police Station 7 at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 na may kaugnayan sa Omnibus Election Code dahil patuloy paring umiiral ang election gun ban.

 

TAGS: 6 bala, arestado, cal. 38 pistol, Cubao, holdaper, lalaki, may dalang baril, Omnibus election code, 6 bala, arestado, cal. 38 pistol, Cubao, holdaper, lalaki, may dalang baril, Omnibus election code

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.