Hirit na writ of habeas corpus ng may-ari ng WellMed, ibinasura ng korte

By Clarize Austria June 12, 2019 - 01:04 AM

Inquirer photo/Lyn Rillon

Hindi pinaboran ng korte ang petisyon na inihain ng isa sa may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Bryan Christopher Sy para sa writ of habeas corpus.

Ang petisyon ni Sy ay kumukwestyon sa validity ng pag-aresto sa kanya ng NBI araw ng Lunes.

Ayon sa inilabas na court order, ang lack of probable cause for warrantless arrest ay hindi isang ground upang magbigay ng writ of habeas corpus.

Ito ang naging basehan ni DOJ Senior Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera kung saan idineklarang valid ang pag-aresto kina Sy at ang dalawang whistleblower na sina Edward Roberto at Liezel De Leon.

Nananatili pa rin sa kustodiya ng NBI ang tatlo.

Nanawagan naman ang abogado ng whistleblowers na si Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte na mapabilis ang proseso sa paglalagay sa dalawa sa witness protection program.

Kung wala aniya ang dalawa ay hindi malalaman ang nagiging kalokohan sa loob ng PhilHealth at sa nasabing clinic.

Hinamon din ni Roque ang pamunuan ng PhilHealth na kasuhan ang mga nasa loob ng ahensya na sangkot sa anomalya.

 

TAGS: Atty. Harry Roque, Bryan Christopher Sy, DOJ Senior Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera, ibinasura, NBI, philhealth, valid, wellmed dialysis center, whistleblowers, Witness Protection Program, writ of habeas corpus, Atty. Harry Roque, Bryan Christopher Sy, DOJ Senior Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera, ibinasura, NBI, philhealth, valid, wellmed dialysis center, whistleblowers, Witness Protection Program, writ of habeas corpus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.