Eddie Garcia, kritikal pa rin ang kundisyon

By Angellic Jordan June 12, 2019 - 12:46 AM SHARE(S):
Credit: Bibeth Orteza

Comatose pa rin ang beteranong aktor na si Eddie Garcia matapos magtamo ng ‘severe cervical fracture’ o neck fracture sa pagkakadapa sa taping ng bagong television program sa GMA Network.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Dr. Artemio Salvador, pinuno ng Patient Relations Department Division ng Makati Medical Center, nasa kritikal na kondisyon pa rin si Manoy.

Aniya, comatose ang aktor na may minimal spontaneous respiration.

Isinailalim ang aktor sa 48 oras na ‘critical observation’ para ma-monitor kung bubuti ang kondisyon nito.

Kinumpirma ng tagapagsalita ng pamilya Garcia na naka-life support ang 90-anyos na aktor.

Nagpasalamat din ang pamilya sa natatanggap na pagmamahal at suporta ng mga kaibigan at fans para sa aktor.

 

TAGS: aktor, comatose, critical observation, Eddia Garcia, gma network, kritikal ang kundisyon, life support, makati medical center, minimal spontaneous respiration, severe cervical fracture, taping, aktor, comatose, critical observation, Eddia Garcia, gma network, kritikal ang kundisyon, life support, makati medical center, minimal spontaneous respiration, severe cervical fracture, taping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.