Mga Katoliko dumagsa sa mga simbahan sa unang araw ng Simbang Gabi kahit malakas ang ulan
Kahit malakas ang ulan kaninang madaling araw, marami pa ring katoliko ang dumagsa sa mga simbahan para dumalo sa unang araw ng tradisyunal na ‘Simbang Gabi’ na nagsimula ngayong araw.
Ang mga simbahan sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, puno pa rin kahit na kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan kanina.
Alas 3:00 pa lamang ng umaga nagdatingan na sa Manila Cathedral ang mga tao para sa alas 4:30 na misa. Si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang namuno sa misa sa Manila Cathedral.
Ang simbahan ng Our Lady of Manaoag Minor Basilica sa Pangasinan ay puno din sa unang araw ng Simbang Gabi.
Sa Our Lady of perpetual Help Shrine sa Baclaran, tinatayang aabot sa 9,000 katao ang nagsimba.
Ayon kay Baclaran Church rector Fr. Joseph Echano, ang nararanasang bagyo sa bansa ngayona y mensahe sa bawat isa na dapat pangalagaan ang kalikasan kasabay ng pagpapalago ng pananampalataya sa Panginoon.
Ang Simbang Gabi ay tradisyon na ng mga Katoliko kung saan siyam na araw na dinadaluhan ang dawn Masses hanggang sa bisperas ng pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.