LOOK: Bandila ng Pilipinas, tampok sa Google Doodle ngayong Araw ng Kalayaan

By Angellic Jordan June 12, 2019 - 12:38 AM SHARE(S):

Tampok ang bandila ng Pilipinas sa Google Doodle ngayong Miyerkules, June 12.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag ng Google, ang bandila ng Pilipinas ay isang makapangyarihang simbolo para sa nakamit na kasarinlan ng bansa.

Simulang nakita ang Google Doodle kaninang alas 12:01 ng hatinggabi.

Limitado ang nasabing Google Doodle para sa Pilipinas.

Ito na ang ikasampung taon na kinilala ng Google sa pamamagitan ng paglalabas ng doodle para sa mahalagang pagdiriwang sa bansa.

 

TAGS: Araw ng Kalayaan, bandila ng Pilipinas, Google Doodle, kasarinlan, makapangyarihang simbolo, tampok, Araw ng Kalayaan, bandila ng Pilipinas, Google Doodle, kasarinlan, makapangyarihang simbolo, tampok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.