Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inilatag nina Secretary Ernesto Pernia at National Statistician Dennis Mapa ang naturang plano sa cabinet meeting sa Malakanyang.
Ayon kay Panelo, sa ilalim ng pilot testing, susubukan ng PSA na mairehistro ang malaking bilang ng mga Filipino sa buong bansa.
Dagdag ni Panelo, target na maipatupad ang Philippine ID System sa buong bansa sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa 2022 kung saan target na mairehistro ang 107 milyong Pinoy.
“Secretary Pernia and newly appointed National Statistician Dennis S. Mapa updated the Cabinet with the implementation of the Philippine ID System. There will be a pilot testing which will run from September to December 2019 to register a substantial number of Filipinos nationwide. By the end of the President’s term in 2022, 107 million Filipinos are targeted to be registered, ani Panelo.