Viral photos ng mga nagbebenta ng bandila ng China sa Luneta kinondena

By Angellic Jordan June 11, 2019 - 11:13 PM

Courtesy of Elgin Lazaro III

Kinondena ng Chinese Embassy sa Maynila ang mga kumalat na larawan kung saan ibinebenta ang bandila ng China sa Luneta Park.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng embahada na nakarating sa kanilang tanggapan ang mga larawan ng nasabing insidente.

Ayon sa embahada, welcome sa kanila kung ito ay may magandang intensyon para ipagdiwang ang Friendship Day sa pagitan ng China at Pilipinas.

Ngunit, kung ito ay ginawa para sirain ang relasyon ng dalawang bansa, kinokondena nila ito.

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na pinatutugis na ang nakita sa security camera na nagbayad umano sa mga vendor para ibenta ang mga Chinese flag.

 

TAGS: bandila ng China, China, Chinese embassy, Friendship Day, Luneta Park, nagbebenta, Pilipinas, viral photo, bandila ng China, China, Chinese embassy, Friendship Day, Luneta Park, nagbebenta, Pilipinas, viral photo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.