Nasira ang sampung kabahayan dahil sa paghagupit ng buhawi sa Mlang, North Cotabato.
Ayon kay Bernardo Tayong, opisyal mula sa municipal disaster risk reduction and management, ang buhawi ay dala ng malakas na ulan sa bahagi ng Barangay Buayan bunsod ng Intertropical Convergence Zone.
Nasira ang mga bahay matapos mabagsakan ng mga puno ng buko at saging.
Pawang gawa rin aniya sa light materials ang mga apektadong bahay.
Maswerte naman aniyang walang nananatili sa mga apektadong bahay nang mangyari ang insidente.
Nangako naman ng pamahalaang lokal ng Mlang ng tulong-pinansiyal sa mga apektadong pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.