Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Naitala ang magnitude 4.0 na lindol sa Eastern Samar alas 8:26 Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay sa Silangan ng San Policarpio.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 35 kilometers.

Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian bunsod ng pagyanig.

Habang wala ring inaasahang aftershocks ayon sa Phivolcs.

 

Read more...