Sa monitoring Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa bansa, umaabot sa 6,917 ang mga pasaherong stranded, 58 mga barko, 73 motor bancas at 764 na mga rolling cargoes dahil sa bagyong Nona.
Pinakamaraming stranded na mga pasahero sa Southern Tagalog na may 2,367; 35 mga vessels; 49 na motor bancas at 393 na rolling cargoes.
Sumunod naman na nakapagtala ng pinakaraming stranded na pasahero sa Central Visayas na umabot sa 1,630 at 4 na rolling cargoes.
Sa Bicol naman, maryoong 1,077 na stranded na mga pasahero, 9 na barko, 3 motor bancas at 339 na rolling cargoes.
MOST READ
LATEST STORIES