9 patay sa pag-araro ng trak sa mga bahay at sasakyan sa Davao City

By Angellic Jordan June 11, 2019 - 10:20 PM

Credit: Orlando Dinoy

Hindi bababa sa siyam katao ang kumpirmadong patay, kasama ang isang dalawang taong gulang na bata, sa aksidente sa Davao City, Martes ng umaga.

Inararo ng 10-wheeler truck ang ilang kabahayan at apat na nakaparadang sasakyan sa bahagi ng Barangay Matina Pangi bandang alas nuwebe y medya ng umaga.

Dead-on-the-spot ang isang dalawang taong gulang na bata at ina na nakatayo lamang sa highway nang matabunan ng mga sako ng bigas na dala ng trak.

Ayon kay Davao City police director Col. Alexander Tagum, walo katao ang sugatan at nasa kritikal na kondisyon.

Ayon sa pulisya, nawalan ng preno ang trak na nakareshitro sa ilalim ng BSBC trucking.

Nagmula ang trak sa bahagi ng Panacan at mabilis ang takbo habang binabagtas ang kalsada sa nasabing barangay.

Sa Facebook live video ng Barangay Matina Pangi, makikita na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang aksidente sa lugar.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Talomo police ang drayber ng trak.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

TAGS: 10-wheeler truck, 2 anyos na bata, 9 patay, aksidente, araro, Barangay Matina Pangi, BSBC trucking, Davao City, dead-on-the-spot, kabahayan, sasakyan, 10-wheeler truck, 2 anyos na bata, 9 patay, aksidente, araro, Barangay Matina Pangi, BSBC trucking, Davao City, dead-on-the-spot, kabahayan, sasakyan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.