Ayon kay Deputy Minority Leader Luis Campos, ihahain nila ang resolusyon para imbestigahan ang mabagal na pagtatayo ng mga bagong power plant sa unang araw ng 18th Congress sa July 1.
Kailangan aniyang silipin ng Kamara ang regulatory issues na nagiging dahilan ng pagkaudlot sa konstruksyon ng mga dagdag na power plant.
Iginiit pa ng kongresista na kailangang maagapan ang energy shortage upang matiyak ang 6.5% economic growth ng bansa.
Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin ng babala ng San Miguel Corp. na mahaharap sa malawakang ‘rotating blackouts’ ang Luzon simula sa 2020 hanggang 2022 bunsod ng pagkabinbin sa pagtatayo ng mga bagong power plant sa kabila ng pagtaas ng demand.