Independence Day celebration sa Cebu hindi sisiputin ni Duterte

By Angellic Jordan June 11, 2019 - 08:11 PM

Malacañang photo

Kumpirmadong hindi makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Lapu-Lapu City, Cebu sa Miyerkules, June 12.

Ayon kay Dr. Rene Escalante, chairperson ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), hindi makakadalo ang pangulo dahil mayroon na itong naunang schedule para sa nasabing petsa.

Magsisilbi aniyang kinatawan ng pangulo sa programa si Education Secretary Leonor Briones.

Dadalo naman aniya ang punong ehekutibo sa ibang aktibidad para sa Araw ng Kalayaan malapit sa kaniyang appointment.

Ang Liberty Shrine sa Mactan ang magiging sentro ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Miyerkules.

Magsasagawa ng simultaneous flag raising ceremony sa buong bansa bandang 8:00 ng umaga.

Bahagi rin ang ‘Kalayaan 2019’ program sa paghahanda para sa selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa sa taong 2021.

TAGS: briones, cebu, duterte, independence day, briones, cebu, duterte, independence day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.