Daan-daang sex enhancing drugs nakumpiska sa panibagong Oplan Galugad sa Bilibid

By Ruel Perez December 16, 2015 - 09:21 AM

BilibidSa kasagsagan ng pagbuhos ng sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, nagsagawa muli ng Oplan Galugad ngayong araw ang Bureau of Corrections (Bucor) sa maximum security compound.

Ito na ang ikawalong Oplan galugad sa NBP at ikapitong pagkakataon dito sa maximum security compound.

Sa building 8 ng quadrant 3, nakumpiska ang 2 improvised na baril, 1 frame ng gagawing improvised na baril, silencer, 2 lagare, 1 patalim at iba’t-ibang matutulis na bagay.

Mayroon ding dalawampu’t-dalawang sachet ng hinihinalang shabu at 9 na aluminum foil at iba pang drug paraphernalia na nakita sa loob ng itim na wallet na itinago sa drawer kasama ang mga bola na ginagamit sa pagbibilyar.

Sa building 8 pa rin, dalawang lata na naglalaman ng daan-daang piraso ng hinihinalang sex enhancing pills na kulay dilaw ang nakumpiska.

May nasabat ding isang kulay asul na eco-bag kung saan nakasilid ang daan-daaang piraso ng hinihinalang sex enhancing capsules na nakabalot pa sa pulang plastic.

May mga nakuha pa ring mga appliances tulad ng electic fan at mga DVD player.

Sa building 5-C naman ng quadrant 4, may nakuha na 17 sachet ng hinihinalang shabu, dalawang cellphone at isang tablet na nakatago sa ilalim ng lagayan ng mga pinggan.

Nasa higit 100 Bucor personnel ang nagsagawa ng Oplan Galugad sa maximum security compound ngayong araw.

TAGS: New Bilibid Prisons, Oplan Galugad, New Bilibid Prisons, Oplan Galugad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.