Erwin Tulfo welcome pa rin sa Camp Crame

By Angellic Jordan June 11, 2019 - 05:21 PM

Welcome pa rin ang brodkaster na si Erwin Tulfo sa Camp Crame, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ay sa kabila ng pagdedeklara ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. kay Tulfo bilang persona-non-grata.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac maaring pumasok si Tulfo sa himpilan ng pulisya katulad ng sinumang mamamayan.

Maari rin aniyang makipag-transaksyon sa PNP si Tulfo lalo na ang tungkol sa renewal ng kaniyang license to own and possess firearms (LTOPF).

Nag-ugat ang desisyon ng PMAAAI laban kay Tulfo sa insidente ng pagbanat nito kay dating Armed Forces of the Philippines General at Social Welfare Secretary Rolando Bautista makaraang hindi mapaunlakan ng interview sa kaniyang radio program.

Sinabi naman ni Banac na dapat nang mag-move on ang publiko sa isyu sa pagitan nina Tulfo at Bautista.

TAGS: banac, bautista, Camp Crame, persona non grata, PMA, tulfo, banac, bautista, Camp Crame, persona non grata, PMA, tulfo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.