Metro Manila at mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na 2-oras – PAGASA
Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa abiso na inilabas alas 12:22 ng tanghali, moderate to heavy na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Laguna, Rizal, Cavite, Quezon at Batangas sa susunod na dalawang oras.
Ang parehong lagay ng panahon ay nararanasan na rin sa San Clemente, Mayantoc, Santa Ignacia, Gerona, at Paniqui sa Tarlac; at sa Palauig, Zambales.
Payo ng PAGASA sa mga residente maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide na maidudulot ng nararanasang pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.