WATCH: Videos ni Alyas Bikoy tinapatan din ng video presentation ni Trillanes

By Jan Escosio June 11, 2019 - 12:40 PM

Nagpatawag ng press conference si outgoing Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV sa Sumulong Room sa Senate Building kaugnay sa iniuugnay sa kanyang ‘ouster plot’ story ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

Pinasinungalingan ni Trillanes ang mga sinabi ni alyas Bikoy kaugnay sa ‘ouster plot’ kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Una ipinakita ni Trillanes ang palitan ng text messages nina alyas Bikoy at ng isang religious person na tinawag lang niyang ‘Padre’ na naganap noong 2018.

Ipinapakita sa palitan ng text messages kung paano ang ginawang paninira ng kampo ni Pangulong Duterte kay Bikoy at nabanggit din ang pangalan ni Bong Go sa ilan sa mga text messages.

Inilabas din ni Trillanes ang isang video na sinasabing nakunan matapos ianunsyo ni Senator Ping Lacson na maaari na siyang magsagawa ng pagdinig kaugnay sa mga alegasyon ni Bikoy kung ito ay haharap na kalaunan ay kinansela rin ni
Lacson ang dapat na senate inquiry.

Sinabi ni Trillanes na ang mga text messages at video ay nagpapatunay lamang na ang mga pagsisinungaling ni Bikoy kaugnay sa ‘ouster plot’ na binabalak laban sa administrasyong Duterte ng ilang opposition figures nang siya ay iprisinta sa isang press conference sa Camp Crame.

Ang sabi pa ni Trillanes ay maglalabas pa sila ng karagdagang ebidenysa para patunayan kung anong klaseng personalidad meron itong si alyas Bikoy.

TAGS: Alyas Bikoy, antonio trillanes, Peter Advincula, Alyas Bikoy, antonio trillanes, Peter Advincula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.