Pag-iral ng number coding scheme suspendido bukas, June 12

Suspendido na ang pag-iral ng number coding bukas, June 12, Araw ng Kalayaan.

Ayon sa abiso ni MMDA Chairman Danilo Lim, dahil ang June 12 ay deklarang regular holiday, hindi iiral ang number coding bukas.

Pinayuhan din ang mga motorista lalo na kung may balak mabakasyon na planuhin ng maaga ang kanilang biyahe.

Suspendido din ang pag-iral ng number coding bukas sa Makati City at Las Pinas City.

Read more...