Tanggapan ng Organico Agribusiness na sangkot sa investment sa Taglibaran sinalakay ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2019 - 12:25 PM

Sinalakay din ng Philippine National Police (PNP) ang tanggapan ng Organico Agribusiness Ventures, Incorporated sa Tagbilaran City sa Bohol.

Ang kumpanyang Organico ay may mga miyembro na pinag-iinvest sa naturang kumpanya.

Ginawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court dahil sa paglabag umano ng Organico sa Sec. 73 ng RA 8799 o Securities Regulation Code.

Subject ng search warrant ang mga opisyal ng Organico kabilang ang branch manager, teller, at front desk in charge na may hawak at kontrol sa mga kailangang dokumento at gamit.

Kabilang sa hinalughog ang mga dokumento gaya ng mga kontrata, resibo, bank books, check books, maging ang mga gamit gaya ng computers, video camera, at iba pang storage.

Martes (June 11) din ng umaga nang salakayin ang tanggapan ng Organico sa Mandaue City.

Bago ang pagsalakay ay isinara na nag naturang tanggapan sa Mandaue mula kahapon na ikinaalarma ng mga investor nito.

TAGS: Investment, organico agribusiness, SEC, tagbilaran city, Investment, organico agribusiness, SEC, tagbilaran city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.