DFA nagpalabas ng travel advisory sa Sudan

Nagpalabas ng travel advisory ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa pagbiyahe patungong Sudan.

Sa abiso ng DFA, inirekomenda nito sa mga mamamayan na iwasan muna ang pagtungo sa Sudan.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na civil unrest sa nasabing bansa sa North Africa.

Nakasaad sa abiso na ang kaguluhan sa Sudan ay nagresulta na sa mga karahasan, pagkaputol ng linya ng komunikasyon, at kanselasyon ng mga biyahe sa Khartoum at iba pang lugar.

Ito na ang ikalawang araw ng nationwide civil disobedience ng iba’t ibang mga grupo.

May mga nagpoprotesta nang dinakip at isang rebel leader at dalawa niyang kasamahan ang ipina-deport sa Khartoum.

Read more...