Keanu Reeves tampok sa isang video games

By Jimmy Tamayo June 11, 2019 - 12:08 PM SHARE(S):

Kasunod ng tagumpay ng ikatlong John Wick film, muling bibida sa bagong proyekto ang Hollywood actor na si Keanu Reeves.

Itatampok si Reeves sa video game na Cyberpunk na nakatakdang ilabas sa susunod na taon.

Sa press conference ng E3 2019 Microsoft, pormal na inanunsyo ang pagbibida ni Reeves sa video game.

Inilabas din ang bagong trailer ng Cyberpunk kung saan makikita si Reeves sa huling bahagi ng video.

Ang nasabing video game ay may release date na April 16, 2020.

Samantala, sinasabing taon ngayon ni Reeves dahil bukod sa John Wick, nagkaroon din siya ng cameo appearance sa Netflix rom-com na “Always Be My Maybe” at tampok din ang boses niya sa bagong karakter sa Toy Story 4.

TAGS: Cyberpunk, Keanu Reeves, video games, Cyberpunk, Keanu Reeves, video games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.