Bagyong Nona, pinakamatinding bagyong tumama sa Oriental Mindoro sa nakalipas na 20 taon

By Dona Dominguez-Cargullo December 16, 2015 - 08:33 AM

Gloria, Oriental Mindoro, Photo of Mark Jay
Gloria, Oriental Mindoro, Photo of Mark Jay

Walang kuryente, bagsak ang linya ng komunikasyon at may naitalang mga nasawi sa lalawigan ng Oriental Mindoro dahil sa bagyong Nona.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali Jr., ang bagyong Nona ang pinakamatinding bagyo na tumama sa kanilang lalawigan sa nakalipas na dalawampung taon.

Halos buong lalawigan aniya ang naapektuhan pero pinakamatindi ang naging pinsala sa mga bayan ng Pinamalayan, Gloria, Socorro, Bansud, Naujan at Baco.

Sa Pinamalayan naganap ang ikalimang landfall ng bagyong Nona.

Wala pa ring kuryente sa lalawigan at sa ilang mga bayan ay bagsak ang komunikasyon.

Sinabi ni Umali na sa kasagsagan ng pagtama ng bagyo nagliparan ang mga yero at may mga bumagsak na poste at mga puno.

May mga bayan ding binaha at may mga residenteng namalagi sa bubungan ng kanilang mga bahay.

“Marami pang nasa bubong na mga residente, hindi lang kasi hangin eh, maraming ulan. Ito na ang pinakamatinding bagyo in 20 years dito sa Oriental Mindoro,” sinabi ni Umali.

Tatlo na ang naitalang patay sa Oriental Mindoro dahil sa pananalasa ng bagyong Nona. Ngayong umaga mayroon pang isang reported casualty pero kinukumpirma pa ito ng pamahalaang panlalawigan.

Sinabi ni Umali na nagdeklara na ng state of calamity sa Oriental Mindoro para mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

TAGS: Typhoon Nona leaves 3 dead in Occidental Mindoro, Typhoon Nona leaves 3 dead in Occidental Mindoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.