Golden State Warriors nakabawi sa Toronto Raptors sa Game 5 ng NBA

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2019 - 11:45 AM SHARE(S):

Nakabawi ang Golden State Warriors sa Game 5 ng NBA Finals matapos talunin ang Toronto Raptors sa score na 106-105.

Hindi naging madali para sa Warriors ang makaahon sa 3-1 lead ng Raptors dahil dalawang minuto na lang ang nalalabi sa 4th quarter ay nakalamang pa Raptors.

Nakapaglaro din saglit si Kevin Durant sa pag-asang malaki ang maitutulong nito sa koponan, subalit bago matapos ang 2nd quarter ay kailangan itong ilabas dahil sa pananakit ng kaniyang calf injury.

Nakagawa pa ng 11 points si Durant sa sandaling pamamalagi niya sa game kabilang ang dalawang magkasunod na 3-points sa 1st quarter.

Top scorer para sa Warriors si Stephen Curry na nakapagtala ng 31 points. Sinundan ni Klay Thompson na may 26 points.

Dahil sa panalo, nasa 3-2 na ngayon ang serye, lamang pa din ang Raptors na nangangailangan na lang ng 1 panalo habang kailangan pa ng 2 panalo ng Warriors para mag-kampyon.

Magaganap ang Game 6 sa Biyernes ng umaga oras sa Pilipinas.

TAGS: Game 5, golden state warriors, nba finals, StrengthInNumbers, wethenorth, Game 5, golden state warriors, nba finals, StrengthInNumbers, wethenorth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.