FDA naglabas na din ng babala sa publiko sa pagbili ng gamot online

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2019 - 11:25 AM

Nagpalabas na ng babala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) dahil sa lumalaganap na bentahan ng gamot online.

Ayon sa FDA, ang gamot na nabibili sa online ay maaring magdulot ng serious side effects at health problems lalo na kung hindi nabibigyan ng naayon na storage.

“Buying medicines over the internet can pose serious health risk. You will never know what exactly you are getting,” ayon sa FDA.

Sinabi ng FDA na kahit kahalintulad ang gamot na nabibili online sa nabibili sa drug stores, ay walang garantiya na genuine o hindi peke ang mga ito.

Dagdag pa ng FDA, dito sa Pilipinas, hindi pinapayagan ang pagbebenta ng gamot online.

Pinapayagan lamang ng FDA ang online ordering services kung ang nagbebenta ay may existing FDA-licensed Pharmacy o kung isa itong accredited na Botika na may physical address.

Dahil dito, inirekomenda ng FDA sa pibliko na bumili lang ng gamot sa sa mga licensed pharmacies.

TAGS: Food and Drug Administration, Health, online selling, Radyo Inquirer, Food and Drug Administration, Health, online selling, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.