Pang. Duterte may may solusyon na sa cancelled at delayed flights sa NAIA; paggamit sa Sangley Airbase pinamamadali

May solusyon na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga cancelled at delayed flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa 38th cabinet meeting kagabi sa Malakanyang, inatasan ng pangulo si Transportation Secretary Arthur Tugade na tiyaking magiging operational kaagad o sa lalong madaling panahon ang Sangley Airbase sa Cavite.

Base kasi aniya ito sa presentasyon ni Tugade na ang Sangley Airbase ang nakikitang alternatibo para sa mga general aviation at domestic flights.

Dismayado ang pangulo nang magsagawa ng surprise visit sa naia kamakalawa na maraming mga cancelled at delayed flights sa NAIA.

Sa panig ni Tugade, sinabi nito na nagsagawa na ang kanilang hanay ng testing ng biyahe ng mga ferry mula sa Mall of Asia sa Pasay City patungo sa Sangley sa loob lamang ng 18 hanggang 24 na minuto.

Nagpahiwatig din ang pangulo na maari niyang balasahin ang mga tauhan ng NAIA.

Kasabay nito, nais ng pangulo na isang entity lamang ang hahawak sa airport security.

Maari aniya mng mula sa militar o civilian force.

Ayon kay Panelo, maghahanda na si Tugade ng executive order para paaprubahan kay Pangulong Duterte upang maisakatuparan ang mga utos ng punong ehekutibo.

Read more...