Health facilities na may kinakaharap na mga kaso hindi maaring basta-basta ipasara ng DOH
Aminado ang Department of Health (DOH) na hindi sila basta-basta makapagpapasara ng health facilities kahit pa mapatunayang sangkot ang mga ito sa pekeng claims.
Ito ay kasunod ng pagkakabunyag ng “ghost dialysis” claim ng Wellmed Center sa Quezon City dahil sa patuloy na pagkubra ng claim.
Sa panayam ni Health Sec. Francisco Duque III sa ngayon, mayroong nakabinbing nasa pitong libong na may kaugnayan sa paglabag ng mga helth facility.
Ani Duque, kailangang maging maingat sa pagbawi ng lisensya ng mga may kasong health institution dahil maraming pasyente ang maaapektuhan.
Ani Duque, tatalakayin ng DOH sa PhilHealth kung paano ang gagawin sa mga health facility na may kinakaharap na kaso at kasamang ikukunsidera ang magiging epekto nito sa maraming pasyente.
Kasama ring pag-uusapan ang mga hirit na isapubliko ang listahan ng mga may kasong health facilities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.