Kevin Durant nakalaro sa Game 5 pero agad ding inilabas matapos muling sumakit ang calf injury

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2019 - 10:21 AM SHARE(S):

Nakalaro na sa Game 5 si Kevin Durant para sa laban ng Golden State Warriors kontra Toronto Raptoprs.

Pero bago pa matapos ang 2nd quarter ng laban, kinailangang ilabas si Durant.

Ito ay makaraang manakit muli ang kaniyang calf injury.

Sa video sa NBA TV makikitang inaasistihan si Durant papunta sa locker room.

Halata namang dismayado si Durant dahil kailangan niyang iwan ang laban sa natitirang 9 minutes and 46 seconds sa 2nd quarter.

Sa maiksing oras ng paglalaro, nakagawa na agad ng 11 puntos si Durant kabilang ang dalawang magkasunod na 3-points sa 1st quarter.

Magugunitang matagal na hindi nakalaro si Durant dahil sa calf injury at ngayon lamang muling naglaro para sa Warriors matapos na makapagpratcice na kahapon.

TAGS: Game 5, Kevin Durant, nba finals, Game 5, Kevin Durant, nba finals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.