Ayon sa DOH, kailangan may prescription o reseta mula sa doktor ang sinuman na bibili ng mga naturang gamot at ito ay dapat sa botika lamang binibili.
Nabatid na may isang online shopping website (LAZADA) na nagbebenta ng antibiotics at steroids, na ikinababahala ng publiko.
Payo ng ahensya, hangga’t maaari ay huwag bibili ng mga gamot sa mga website o sa online dahil maaaring hindi aprubado ng FDA ang mga gamot at walang garantiya kung lehitimo ang mga ito.
Naglabas na rin ng advisory ang FDA na pirmado ni Health Undersecretary at FDA OIC Eric Domingo, kung saan binalaan nito ang publiko laban sa “internet sales and access” ng mga gamot.
Maaaring may “health risk” ang mga gamot na nabibili lamang online, lalo na kung hindi nagagamit o naitatago sa maayos na paraan.
Higit sa lahat, hindi pinapayagan sa Pilipinas ang online selling ng mga gamot.