PhilHealth pamumunuan muna ng COO ayon kay Health Sec. Duque

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2019 - 09:46 AM SHARE(S):

Pamumunuan muna ng chief operating officer ang PhilHealth matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal nito na maghain ng courtesy resignation.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III kabilang sa pinagbitiw ng pangulo ang pitong presidential appointees sa PhilHealth Board at si PhilHealth Pres. Roy Ferrer.

Sinabi ni Duque na bilang next in line ang COO ang pansamantalang mamumuno sa PhilHealth.

Kahit pinagbitiw si Ferrer sinabi ni Duque na hindi naman nawawala ang tiwala dito ng presidente.

Sinabi ni Duque na sa cabinet meeting Lunes ng gabi, hindi naman napagalitan at hindi sinisi ng pangulo si Ferrer.

Wala aniyang duda ang pangulo sa integridad at pagiging sinsero ng PhilHealth official.

TAGS: ghost dialysis, Health, philhealth, philhealth board, ghost dialysis, Health, philhealth, philhealth board

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.