5 patay, libu-libo ang stranded sa nararanasang malakas na buhos ng ulan sa China
5 na ang patay at libu-libo ang stranded sa naranasang malakas at tuluy-tuoy na buhos ng ulan sa southern China.
Sa Jiangxi province, daan-daang mga bahay na ang nawasak at mahigit 10,800 na ektarya ng pananim ang nasira.
Sa pagtaya ng pamahalaan ng China umabot na sa 1.4 milyon na katao ang direktang apektado ng malakas na buhos ng ulan.
Nasa 20,000 bahay ang nawalan ng kuryente sa Guangxi region.
Ayon sa meteorological administration ng China, tatagal pa sa susunod na 4 na araw ang hindi magandang panahon na nararanasan.
Kabilang sa dumaranas ng pag-ulan ang Guangdong, Fujian, Jiangxi, Yunnan, Sichuan at maging sa Taiwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.