Bureau of Immigration inalerto ng DOJ sa mga sangkot sa KAPA investments scam

By Ricky Brozas June 11, 2019 - 08:47 AM

Ipinag-utos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Bureau of Immigration (BI) na maging alerto sa posibilidad ng paglabas ng bansa ng mga personalidad sa likod ng nabunyag na KAPA investment scam.

Ayon sa kalihim, hindi maiaalis ang posibilidad na tumakas palabas ng bansa ang mga taong nasasangkot sa operasyon ng Kapa-Community Ministry International, Inc.

Pinababantayan na ng kalihim ang mga paliparan, at mga pantalan sa bansa para matiyak na hindi makakalabas ng bansa ang mga isinasangkot sa investment scam.

Hinihintay pa ng kalihim ang magiging resulta ng isinasagawang pagsalakay ng mga NBI sa ibat-ibang tanggapan ng KAPA sa buong bansa.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Duterte sa NBI at CIDG na pagpapasara sa operasyon ng KAPA matapos makumpirma ng securities and exchange commission na sangkot sa pagsosolicit ng investment kahit walang kaukulang lisensya.

TAGS: department of justice, investment scam, Kapa Ministry, department of justice, investment scam, Kapa Ministry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.