Bagyong Nona at Onyok mag-aabot sa PAR
Bago pa makaalis sa bansa ang bagyong Nona, papasok na mamayang hapon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isa pang tropical depression.
Ayon sa PAGASA ang isa pang bagyo na huling namataan sa 1,425 km East Southeast ng Mindanao ay papasok sa bansa ngayong hapon at papangalanang Onyok.
Westward ang kilos nito at inaasahang makaka-apekto sa Eastern Visayas at Eastern Mindanao.
Malaki din ang tsansa na lumakas pa bilang isang typhoon ang nasabing bagyo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA Forecaster Aldczar Aurello na posibleng tumama sa kalupaan ng Mindanao ang nasabing bagyo.
Dahil masyado pang malayo, hindi pa matukoy ng PAGASA ang eksaktong lugar sa Mindanao kung saan tatama ang parating na bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.