Anggulong may kaugnayan sa terorismo ang chopper crash sa isang gusali Manhattan isinantabi ng mga otoridad
Isinantabi na ang anggulong terorismo sa nagananap na pagbagsak ng isang helicopter sa gusali sa Manhattan sa New York City.
Nasawi sa naturang insidente ang piloto ng helicopter.
Ayon kay New York City Mayor Bill de Blasio, walang indikasyon na terorismo ang nangyari at wala ring kasalukuyang banta ng terorismo sa lungsod.
Base sa paunang impormasyon na nakalap ng mga otoridad ay malinaw na aksidente aniya ang nangyari.
Tiniyak naman ni De Blasio na magsasagawa ng malawakang imbestigasyon sa insidente.
Sa ngayon naka-sentro aniya ang pamahalaan at ang mga otoridad sa pag-apula sa sunog sa itaas ng apektadong gusali.
Nagtutulong-tulong ang mga tauhan ng Fire Department ng New York para maapula ang sunog sa nasa ika-50 palapag na taas ng gusali sa Midtown Manhattan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.