Kasabay ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na shutdown sa operasyon ng Kapa.
Ayon kay SEC chairman Emilio Aquino, dati ay nag-alangan ang ahensya na aksuyunan ang Kapa dahil nag-ooperate ito bilang religious organization.
Pero ngayon ay desidido na ang SEC na kasuhan ang mga opisyal ng Kapa.
Samantala, sinalakay ng otoridad ang bahay ng founder ng Kapa Ministry sa General Santos City.
Ang raid sa bahay ni Kapa founder Joel Apolinario ay kasabay ng pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa tanggapan ng grupo sa Tagum at General Santos.
Una nang sinabi ng Pangulo na nakatanggap siya ng mga reklamo laban sa Kapa kaya inutos niyang ipatigil ang operasyon nito.